Miyerkules, Enero 28, 2009

Ang Birthday Bash Ni Chinitang Gina

Masaya ang nagdaang sabado ng mga tropa dahil birthday ng isa sa mga katropa ito ay walang iba kundi si Chinitang Gina... May konting salo salo sa hang out ng tropang fhamfham. Hindi nawala ang spaghetti at sisig ni Anabelle, at lalong hindi pwedeng mawala ang paborito ng lahat na Vodka. Dahil sa Vodka nagkaroon ng katatawan dahil sa biglaang pag-iyak ni jusila o jhoe... Ang nakakatawa pa roon hindi namin maintindihan kung umiiyak siya dahil may naalala siya o dahil sa tears of joy. Huwag ka pa, noong lumapit si anabelle sumigaw siya ng pulbos pulbos pero imbes na si jhoe ang lalagyan niya nilagyan niya ang sarili niya, ahahaha... lols... Sumunod sa eksena si jenny dahil kagagaling lang niya sa pinas, nahomesick daw agad. Samantalang noong umpisa palang ng inuman kantiyaw siya ng kantiyaw sa mga katropa na she is feeling well daw, kaso ng nalasing na ayun umaalma na. After sa hang out ng tropa nagpunta pa kami ng Karat Videoke Bar, dun namin itinuloy ang kasiyahan. Hindi lang kami nagsaya kasi kami ang pinakamagulo sa lahat ng costumer nila. Gawin bang latinos ang sayaw na disco at rn'b, saan ka pa diba... Happy Birthday ulit Chinitang Gina, Thank You sa handa at napasaya mo ang tropa... Sana sagutin muna si Atty. Freddie, malay mo matututunan mo din pala siyang mahalin. ehehehe... More Blessings and More Dollars to come... We Love You...
yan si chinitang gina...

ang tropa w/ chinitang gina...















ang tropa sa Karat Videoke Bar...


ang tropa ulit na magulo sa bar...

Biyernes, Enero 23, 2009

Si AZY a.k.a. boytoy ang CUTIE ng Tropa...

Azy ang tawag sa kanya ng nakakarami dito sa Israel, yun din kasi ang gamit niya sa mga account niya sa yahoo, msn, skype at kung anu ano pa... Ang sabi ng karamihan, babaero daw siya pero sa tingin ko hindi naman siguro hindi siya makasarili kaya minamahal lang niya yung mga pwedeng magmahal sa kanya. Siya ang cutie ng tropa, mahirap nga lang mahagilap kung minsan kasi kung saan saan siya nagsusu-suot dahil na rin sa dami ng kaibigan niya. Active siya sa mga activities dito sa Israel, he can be a host, a event organizer, he can also sing yun nga lang while he is singing may kasama ng lighting and thunder kayong maririnig... ahahaha, lols... Sa tropa siya ang isa sa mga pinakamasayahin, there is no dull moments ika nga. Minsan may mga nagagalit sa kanya dahil niloloko daw niya ang mga babae, ang sagot niya minamahal lang niya yung mga nagmamahal sa kanya, eheheh... Mabait naman si Azy eh, he is kind, a godfearing man, at higit sa lahat caring at mapagmahal. So, sa lahat ng mga minahal ni azy at lahat ng minamahal niya ngayon, swerte nila. Kung may mga nagawa mang pagkakamali si Azy sa buhay niya, hindi niya kasalanan yun at hindi niya hinangad na mangyari yun. Lahat ng tao may kanya kanya deception sa buhay, kaya kung saan ka masaya dun ka. Ganun si Azy, he never let anybody to ruined his life instead he is the one who can ruined their lives forever... Mabuti siyang tao pero kapag sinimulan mo siya ang tatapos... Ito palang ang umpisa ng pagpapakilala sa bawat miyembro ng tropa, sa'yo Azy goodluck... sana lahat ng pangarap mo sa buhay matupad na... sa mga nagtatanong kung bakit si Azy ang nauna kung ipinakilala sa miyembro ng mga tropa huwag na kayong magtaka kasi ako ang moderator nito, ahahaha... LOLZ!






























Martes, Enero 20, 2009

Birthday ni Ruel a.k.a. JOSH

Noong nakaraang sabado January 17, 2009 ay ang birthday celebration ni josh, ang sabi niya may konting salo salo lang daw. Pero nagulat ang tropa kay kaivigang josh dahil yung konti marami pala. May mga espesyal din siyang bisita, pero siyempre mas espesyal ang tropa. Ang nakakatuwa pa, yung birthday candle niya nung sinindihan nagulat ang lahat dahil isa itong bulaklak na bumuka with matching birthday song pa na hanggang matapos kaming kumain tumutunog pa. Siyempre ang iba sa amin natuwa kasi yung candle walang ganun sa bukid, ahahaha... Tinatanong pa nga nila kung saan daw nabili yung candle ng makabili din sila para sa birthday nila... And then napag-usapan yung mga susunod na birthday celebrants kaya humanda na sila dahil sila ang bida dito sa blog ng tropa, kaya kung konti ang inyong handa buking kayo... ehehehe... HAPPY BIRTHDAY Katropang RUEL... Sana magkaroon kapa ng maraming babae, este maraming dolyar... Congrats Bro!









Ang mga KIKAY'S ng tropa...










Christmas and New Year Celebration ng Tropa















Masaya ang nagdaang pasko at bagong taong selebrasyon ng tropa, nagsalo salo kami sa munting naihanda pero nabusog naman ang lahat... Ang iba sa kanila hindi nakapunta pero may pahabol silang sarili nilang post ng mga pictures nila...








Ang saya ng tropa, may design pa talaga ang mga handa...



Sa lahat ng Tropang FhamFham, wish ko lang this year 2009 sana swertehin tayong lahat... Sana tuloy tuloy na ang paglago ng tropa at magtagal pa sana ang ating pagsasama sama... Goodluck Guys... Oh Yeah!!!









Huwebes, Enero 15, 2009

Saan Nagmula At Paano Nabuo Ang Tropa?




Noong una wala pang pangalan ang tropa pero magkakasama na kami, yung bonding namin masaya lalo na kapag may kasama kaming Vodka. May kanya kanyang favorite flavor pa ang bawat isa, may melon, strawberry, lemon, peach at kung no choice na talaga yung pure na as is walang flavor. Ang tropa, masaya kasi para lang kaming magkakpatid meron pa yung time na kapag may problema ka nandiyan sila para sayo. Kapag umiiyak ka, iiyak din sila para sayo. Isa sa mga katropa naming babae yan ang forte nya, kapag lasing na kayo at may problema ka ikwento mo lang sa kanya. Papayuhan ka niya pero siya na ang unang iiyak. Ang hang-out ng tropa ay sa mismong flat nila, condo ang tawag namin dun o hindi naman ay penthouse. Maliit lang yung place kaya kapag maraming bisita pwede yung iba sa may hagdanan at yung iba sa may pintuan isali pa natin ang terrace. Mas marami sa tropa ang babae, konti lang ang mga cutie na lalaki. Noon ang palagi naming puntahan ay sa mga disco bars pero ngayon mas kuntento na sila sa hang-out namin kasi mas masaya daw. Naalala ko, napangalanan ang tropa dahil sa isang dati ring kasa-kasama ng tropa yun nga lang umiba na sila ng landas. Masaya pa rin naman kami, sabi nga namin "IT'S NOT OUR LOST... GO!"... kasi naman if they dont want to be us mas lalo naman kami. Ang motto ng tropa ay "MAPALAD ANG INAAPI" pero kapag aping-api na kami lalapain namin kayo. Lahat kami sa tropa ay may kanya kanyang pangarap at bawat isa sa amin ay may kanya kanyang objectives sa buhay. Yung iba sa amin ay may mga asawa na, but still tropa pa rin sila. Hangga't nandyan sila at nandito kami we were always be a family. Kaya kung feel niyong maki-tropa samin join lang kayo... GO! GO! GO!