Masaya ang nagdaang sabado ng mga tropa dahil birthday ng isa sa mga katropa ito ay walang iba kundi si Chinitang Gina... May konting salo salo sa hang out ng tropang fhamfham. Hindi nawala ang spaghetti at sisig ni Anabelle, at lalong hindi pwedeng mawala ang paborito ng lahat na Vodka. Dahil sa Vodka nagkaroon ng katatawan dahil sa biglaang pag-iyak ni jusila o jhoe... Ang nakakatawa pa roon hindi namin maintindihan kung umiiyak siya dahil may naalala siya o dahil sa tears of joy. Huwag ka pa, noong lumapit si anabelle sumigaw siya ng pulbos pulbos pero imbes na si jhoe ang lalagyan niya nilagyan niya ang sarili niya, ahahaha... lols... Sumunod sa eksena si jenny dahil kagagaling lang niya sa pinas, nahomesick daw agad. Samantalang noong umpisa palang ng inuman kantiyaw siya ng kantiyaw sa mga katropa na she is feeling well daw, kaso ng nalasing na ayun umaalma na. After sa hang out ng tropa nagpunta pa kami ng Karat Videoke Bar, dun namin itinuloy ang kasiyahan. Hindi lang kami nagsaya kasi kami ang pinakamagulo sa lahat ng costumer nila. Gawin bang latinos ang sayaw na disco at rn'b, saan ka pa diba... Happy Birthday ulit Chinitang Gina, Thank You sa handa at napasaya mo ang tropa... Sana sagutin muna si Atty. Freddie, malay mo matututunan mo din pala siyang mahalin. ehehehe... More Blessings and More Dollars to come... We Love You...
yan si chinitang gina...
ang tropa w/ chinitang gina...
ang tropa sa Karat Videoke Bar...
ang tropa ulit na magulo sa bar...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento