Huwebes, Enero 15, 2009

Saan Nagmula At Paano Nabuo Ang Tropa?




Noong una wala pang pangalan ang tropa pero magkakasama na kami, yung bonding namin masaya lalo na kapag may kasama kaming Vodka. May kanya kanyang favorite flavor pa ang bawat isa, may melon, strawberry, lemon, peach at kung no choice na talaga yung pure na as is walang flavor. Ang tropa, masaya kasi para lang kaming magkakpatid meron pa yung time na kapag may problema ka nandiyan sila para sayo. Kapag umiiyak ka, iiyak din sila para sayo. Isa sa mga katropa naming babae yan ang forte nya, kapag lasing na kayo at may problema ka ikwento mo lang sa kanya. Papayuhan ka niya pero siya na ang unang iiyak. Ang hang-out ng tropa ay sa mismong flat nila, condo ang tawag namin dun o hindi naman ay penthouse. Maliit lang yung place kaya kapag maraming bisita pwede yung iba sa may hagdanan at yung iba sa may pintuan isali pa natin ang terrace. Mas marami sa tropa ang babae, konti lang ang mga cutie na lalaki. Noon ang palagi naming puntahan ay sa mga disco bars pero ngayon mas kuntento na sila sa hang-out namin kasi mas masaya daw. Naalala ko, napangalanan ang tropa dahil sa isang dati ring kasa-kasama ng tropa yun nga lang umiba na sila ng landas. Masaya pa rin naman kami, sabi nga namin "IT'S NOT OUR LOST... GO!"... kasi naman if they dont want to be us mas lalo naman kami. Ang motto ng tropa ay "MAPALAD ANG INAAPI" pero kapag aping-api na kami lalapain namin kayo. Lahat kami sa tropa ay may kanya kanyang pangarap at bawat isa sa amin ay may kanya kanyang objectives sa buhay. Yung iba sa amin ay may mga asawa na, but still tropa pa rin sila. Hangga't nandyan sila at nandito kami we were always be a family. Kaya kung feel niyong maki-tropa samin join lang kayo... GO! GO! GO!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento